Mahabag sa batang binugbog

Meron bang tawag sa phobia sa paggawa ng english essay? Yun na yata yung akin. Nakakamiss yung english subject na choose the right verb/noun/adjective at kung ano pang part of speech yan. Kasi nung sa SLU, wala namang “compose an eight-page essay” about this and that, tapos bibigyan ka ng topic na mas boring pa sa nilalangaw na kamatis, o kaya naman yung topic na hindi ako makarelate, gaya na lang nung topic na sexism sa TV shows. Nag-imbento na lang ako nun, dun sa My Wife and Kids, tutal yun lang naman yung talagang napapanood ko. Siguro kasalanan ko rin naman kasi ang tanda ko na eh Spongebob Squarepants (Squidward eh) pa rin at Fairly OddParents ang pinapanood ko XD. Buti pa nung high school, nakabasa ako ng napakagandang libro nung pinagawan kami ng Book Report. Dito, puyat lang at pagod ang napapala ko sa paggawa ng essay. Palibhasa kasi’y hindi specific para sa course ko ang english na yun, kaya napakalawak ng sakop.

Bukas, pasukan na naman. Dalawa lang yung kinuha ko for Summer sem kasi nadala nako sa kinuha kong 11 units last year. Sa loob ng dalawa’t kalahating buwan, hindi ako halos natulog. Lagi ako sa harap nitong computer, gumagawa ng project, naghahanap ng topic para sa speech, pinag-aaralan ang techniques para makakuha ng mataas na grade (oo, may subject kaming ganun), nagsosolve ng sangkatutak na algebra problems na calculus na pala (sinungaling yung course description), at yun nga, gumagawa ng essay. World Religions (REL 250) at Developmental Psychology (PSYC 221) ang subjects ko ngayong summer. Yung Dev. Psych., requirement siya for the Major, tas yung Religion, pinili ko as a Humanities course (para daw maging tao ako.. haha XD). Sayang nga walang on-campus na Religion. Palibhasa kasi mga alagad ni Darwin ang nag-aaral dun sa SDSMT (mga Paleontologists kasi) kaya karamihan sa kanila, hindi naniniwala sa Diyos. Wala na sigurong nag-eenroll sa subject na yun kaya inalis na rin nila. May mga Kristiyano-Katoliko din naman. Nawindang nga ako nung makita ko yung pinakamatalino kong kaklase sa simbahan noong isang linggo. Anyway, hindi ko alam kung bat nga ba Religion ang kinuha ko. Kunsabagay, ang pagpipilian lang naman kasi na fields sa Humanities eh Literature, Music, Theater, History, Philosophy, at Religion. So by the process of elimination:

Literature – ayaw ko nga ng essays e
Music – triangle lang ang alam kong ‘patugtugin’, at hindi rin ako interesado sa musika ni Mozart
Theater – baka madiscover pa ako, mahirap ng matsismis..haha, wala rin akong interes magmemorize ng script at gumawa ng stage play
History – wala rin akong interes malaman ang kasaysayan ng isang bansa maliban lang sa Pilipinas
Philosophy – magandang subject, pero nakuha ko na ito last year at di na pwedeng ulitin
Religion – ang relihiyon ang isa sa mga pangunahing bagay na humuhubog sa katauhan ng isang tao (sa akin); gusto ko ring makapagbigay ng sensible na sagot kapag tinanong ako kung bakit nga ba ito ang napili kong paniniwala.

Bukas na yung klase namin, pero kahit langitngit ay hindi nagpaparamdam yung prof ko. Kadalasan, 1 day bago yung klase, may e-mail na galing sa instructor na nagpapaalala na bukas na magsisimula ang klase. Isa pang katakataka ay wala pa rin siyang nilistang libro na gagamitin namin. Araw-araw kong pinupuntahan yung website ng school pero wala talaga. Parang imposible namang mag-aral kami ng walang libro, lalo na’t online class lang ito. Kumbaga, self-paced study, pero may deadlines. Chineck ko rin kung na-cancel yung klase, pero hindi rin naman. Aantabayanan ko na lang siguro ang susunod na pwedeng mangyari.

Medyo excited na din akong bumalik sa SDSMT. Kahit paano, namiss ko din magdrive papunta dun lalo na pag gabi–senti mode galore na naman nyan! Haha. 7-10pm ang schedule ko para sa Dev. Psych., and yung prof ko dito, siya din yung prof ko nung PSYC 101, kaya medyo alam ko na rin kung paano siya magturo. Sabi ni Wey, maganda daw itong subject na ito. Hiling ko lang, sana hindi kami pagawan ng paper. Tinignan ko yung syllabus nya nung Spring sem and meron nga siyang pinagawa O_O pero summer naman ito, at sa BHSU, hindi sa SDSMT. Wahhhh. Pero sa bagay, Psychology naman ito. Kung tutuusin, di naman hamak na mas interesante ito kaysa sa English na pati lyrics ng kanta eh pinapakielaman.

Kung ano man ang mangyari sa summer na ito, sana lang talaga hindi na maulit yung grade ko sa english last summer. First time yun, at pagsusumikapan ko na din na gawin iyong last, kahit man lang bago ang application para sa Nursing Major.

Uy, parang ang lakas ng loob ko ah. Ito na siguro ang epekto ng mga nabasa kong akda ni Mr. Coelho. :D

P.S. Wala talagang kinalaman yung title sa mismong laman ng blog…

Meron din pala. Ako yung batang binugbog ng sandamukal na negatibong pananaw sa isang subject. XD

Katatakutan, kahihiyan, katatawanan

So I was looking at my schedule for Fall semester. Napatunganga na lang ako sa mga subjects ko. Patay, nandun ang English 201 at dalawang 400-level na klase (meaning pang-4th year na sila). Tapos may Spanish pa at Health Community. Arushosko.

Ayaw ko ang English na subject sa simpleng kadahilanan na kailangan kong gumawa ng sandamukal na essays tungkol sa mga bagay bagay na wala naman akong pakielam. Hindi naman sa wala akong pakielam sa mundo, pero parang na-trauma ako dun sa C+ na nakuha ko nung isang taon sa English 101 ko. Eh kasi ipa-discuss ba naman ang epekto/importansya ng consumption chenes whatever thingy sa bansang ito. Eh duh. Wala pa man akong isang taon dito e. Ilang buwan palang din akong nag-aaral nun. Tapos umeksena pa ang &#*+ na paraphrasing at referencing na yan. Eh dahil online class yun, yung teacher namin sa libro na lang bumase nang bumase. Ni hindi man lang ipinaliwanag kahit sa mas simpleng terms lang. Kaya ayun, bokya. Buti nga nakapasa pa eh.

It’s been a year since I wrote a prose. Parang nawala na lang bigla ang ‘passion’ ko sa pagsusulat. Kaya lang naman kasi talaga ako nakakasulat ng mga ganun noon eh dahil nakita ko si ‘kras’ sa school nung umaga, o kaya naman eh nageemo-emohan ako nung panahong yun. Siguro ang pinakamagandang nasulat ko eh yung parang may pagka-Closing Cycles na hindi (haha, ano dawwwwwww?!). Basta tungkol siya sa mga huling araw ko bilang high school stu(pi)dent XD. Dun ko naibuhos ang kalungkutan ko sa pag-iwan ko sa Labskul, ang takot ko sa pagtungtong sa kolehiyo at pagiging independent, at ang mga tila malulungkot at inspiring na ‘realizations’. Hindi ko na alam kung saan na napunta yung sinulat kong yun. Marami akong naisulat na kung anu-ano bago ako nagpunta sa Baguio noon, pero lahat sa mga yun ay either tinapon ko na o kaya naman eh itinabi ko na lang sa kung saan man.

Isa pa sa mga tila nakakapag-udyok sa akin noon na magsulat eh yung mga magagandang kanta sa MOR 103.1 tuwing gabi. Favorite ko pa nga noon yung original version ng “Love Moves in Mysterious Ways”. Mahilig din akong lokohin ang sarili ko pag sinasabi kong “ang susunod na kanta, kanta namin ni *toot*” tapos sabay “Could You Be My Number 2?” yung kanta XD. Ngayon, wala na yun. Puro country songs ang nasa radyo. Alam kong bacchamae ako, pero hindi ko talaga feel ang mga country songs na pag pinakinggan mo eh feeling mo naggagatas ka ng baka o kaya naman e inaamoy ang hininga ng katabing kabayo. Yung iba namang istasyon ng radyo, sobrang hard rock, matigas pa sa bato ang pagka-rock, kulang na lang may lumabas na baseball bat sa speakers para basagin yung bungo ko.

Meron akong diary na ang tagal ko na ring hindi nasusulatan. Pag minsan, binabasa ko lang ito, pero hindi ako nakakaisip sumulat. Nakakatamad kasi dahil paulit-ulit lang naman ang buhay. Konti lang ang pinagkaiba ng ngayon sa kahapon. Isa pa, wala naman akong crush. Kailangan kong aminin–para sa isang taong sampu-sampu kung magkaroon ng campus crush, mahirap ang biglaang magblangko ang listahan. Si Blake naman kasi, naging crush ko nung patapos na yung semester. Pero masaya na din akong kahit paano eh napatawa ko siya sa kakornihan ko. Hindi ko na rin siya nakita pagkatapos ng semester simula January.

Siguro hindi rin basta kagwapuhan ang ginagawa kong basehan sa pagkakacrush, considering na halos lahat ng mga crush ko na nakikita ko in person eh hindi naman talaga gwapo (ouch naman daw sila XD). Yung iba, matalino o kaya naman mabait. Kung neither sa dalawa, siguro talagang nasiraan lang ako ng bait nung magkacrush ako sa kanila XD.

Ayaw ko na sanang balikan ang mga pangyayaring ito pero hindi ko rin maitatanggi na ang pagiging ‘baliw’ ko pagdating sa mga crush na iyan ay kabilang sa mga bagay na nakakapagpangiti sa akin kapag naaalala ko sila.

Napagtanto kong tutal naman eh hindi sila bumibisita sa blog na ito at hindi rin nila mababasa so OK lang.

Kapag ka-close mo ang tenga ng lupa at ang pakpak ng balita, wag ka ng umasang hindi marereveal ang “special someone” mo kahit sa loob lamang ng isang araw. Kadalasan, wala ka pang sinasabi ay kalat na sa campus na may gusto ka kay ganito. Ganyan ang naging buhay ko. Sabi nga ni Bob Ong, kadalasan eh nililink ka sa pinakapangit sa klase nyo–sa kaso ko naman, dun sa pinakapangit sa campus (oyyyyy, no offense).

Yung kay AP noon, hindi ko alam kung paano kumalat. Siguro na-identify din ni AP yung number na yun. Kung anu ano pa ngang kaewanan ang pinaggagagawa ko nun, may paletters letters pa. Haha. YAK, ang baduy ko XD. Marami rin kaming dinevise na codename ni June para sa kanya, nakalimutan ko na nga yung iba.

Nung second year, meron na namang ibang ipinartner sa akin–si Pongi. As usual, si Junee ang gumawa ng codename na yan. Ewan ko kung saan naman niya nahugot ang bansag na yun para kay kuya Sherwin. Kawawa naman, nananahimik eh ginugulo ng mga batang walang magawa sa buhay XD. Di pa nakuntento, nung minsang pumasok si kuya sa classroom para manghiram ng ballpen eh bigla ba namang tinukso sa akin na nananahimik na nagrerewrite ng notes. Simula noon, Fallorin na ang tawag sa akin ni Sir Alagano. Oh well, at least nakilala ako ng teacher kahit paano. :P

Dumami ang ka-love team ko nung third year. Yung bestfriend ni kuya Sherwin, si kuya Glenn, naihalintulad ko noon kay Haley Joel Osment. Kahawig daw nya kasi. HAAAAAAAAAAHAAAAAAAAAAHAAAAAAHAHHHHHHHHHHHHAAAAAAAA. Bulag talaga ako ano. Nakuha ko noon yung number nya kay Con at sinendan ko siya ng pinakachakabang at pinakabaduy na message na pwedeng i-devise ng mga panahong iyon. Nakakakilabot pa rin pag naaalala ko. So medyo naging text buddies din kami noon. Napuno na nga halos yung inbox ko nun kasi hindi ko binubura yung messages nya XD. Actually, meron din naman akong dapat ipagpasalamat sa kanya dahil lingid sa kaalaman ng lahat, ang kauna-unahang entry sa diary kong 5 taon ko ng kasama ay tungkol sa kanya. Kumbaga siya ang nag-”inspire” sa akin na magsimula ng diary. Eto ang excerpt: “He has been an important person in my everyday life and leaving his memories would be hard.” WTF? WTH? LOL! LMAO! ROFL! Hahahahahahahahahahahahahahaha. Wrong gramming pa ata. Anak ng jellyace. Ako ba yun? Pag binabasa ko yung entry na yun atsaka yung mga sumunod doon, tawa ako nang tawa. Para akong nagbabasa ng mga hinaing ng batang naligaw ata sa sarili nyang kwarto. Siguro eto yung parang karanasan ko sa tinatawag nilang “High School drama”. Baduy, corny.. pero sa paraan ng pagkakasulat ng mga entries na yun, parang ang lungkot ko talaga. Haha. Kids.

Eto pa: “…used my mental telepathy to call him. He turned his head automatically and caught my eye.” My gaaaaaaaaasssshhhh. Hindi naman ako naka-drugs nun, bat ganyan yung naiisip ko?

Hayyyy. Well at least mas masaya naman ako di hamak nung mga panahon na yun kaysa ngayon.

…to be continued

*inaantok nako.

Homework help!

Bakit nga ba ginagamit pang panggamot sa cancer ang ionizing radiation at nucleoside analogs eh diba carcinogenic nga sila?

___________________________

Kamusta naman ang Microbiology na yan.Akala ko natorture nako noon. Mas malala pala itong ngayon.

Kakatamad ng mag-isip. Konti na lang, sasabog na ang utak ko. Sana naman hindi literally. =P

Seriously… WHY?!

Why does it ALWAYS have to be me? my batch? my section?

SDSU has raised its standards with regards to the admission of students in the Nursing Major. They have decided not to accept students who failed the Biology courses even once AND included an interview with the Undergraduate Admission & Scholastic Standards Committee.

Although I am very worried about their policy on the failure thingy (since there is a possibility I might fail that Microbiology subject), I am more worried about the interview part. I hate interviews–especially now that I HAVE to speak straight English. I mean, I can speak English, but not with their accent…and I am prone to word salads.

Here’s the “best” part: This will take effect on Fall 2008. FALL 2008!!! FALL TWO-THOUSAND-EIGHT!!! MY time of application! Our batch would be the first one to undergo such changes!

WHYYYYYYYY?!

What’s worse is that they’re only going to accept 48 students here in the Rapid City area and I think there are about 150+ students on my batch that will apply with me–AND DON’T GIVE ME THE “150 lang?!” FACE. About 130+ of those 150+ are straight A students. STRAIGHT A!!! 4.0 GPA! Daaaaaarn. They’re all rolling over their perfect grades while here I am, on the verge of failing a subject I’m taking for the second time!

Way to boost my confidence.

This is a really bad day. I didn’t get enough sleep because I have a frikkin cold (and I can’t breathe properly) and I had to mingle with bacteria and lift weights for our laboratory classes. Now I have a bad cough and my throat is really sore and I’m afraid I’ll lose my voice by tomorrow.

Ano ba. Hindi ba talaga para sa akin itong Nursing?