Mahabag sa batang binugbog

Meron bang tawag sa phobia sa paggawa ng english essay? Yun na yata yung akin. Nakakamiss yung english subject na choose the right verb/noun/adjective at kung ano pang part of speech yan. Kasi nung sa SLU, wala namang “compose an eight-page essay” about this and that, tapos bibigyan ka ng topic na mas boring pa sa nilalangaw na kamatis, o kaya naman yung topic na hindi ako makarelate, gaya na lang nung topic na sexism sa TV shows. Nag-imbento na lang ako nun, dun sa My Wife and Kids, tutal yun lang naman yung talagang napapanood ko. Siguro kasalanan ko rin naman kasi ang tanda ko na eh Spongebob Squarepants (Squidward eh) pa rin at Fairly OddParents ang pinapanood ko XD. Buti pa nung high school, nakabasa ako ng napakagandang libro nung pinagawan kami ng Book Report. Dito, puyat lang at pagod ang napapala ko sa paggawa ng essay. Palibhasa kasi’y hindi specific para sa course ko ang english na yun, kaya napakalawak ng sakop.

Bukas, pasukan na naman. Dalawa lang yung kinuha ko for Summer sem kasi nadala nako sa kinuha kong 11 units last year. Sa loob ng dalawa’t kalahating buwan, hindi ako halos natulog. Lagi ako sa harap nitong computer, gumagawa ng project, naghahanap ng topic para sa speech, pinag-aaralan ang techniques para makakuha ng mataas na grade (oo, may subject kaming ganun), nagsosolve ng sangkatutak na algebra problems na calculus na pala (sinungaling yung course description), at yun nga, gumagawa ng essay. World Religions (REL 250) at Developmental Psychology (PSYC 221) ang subjects ko ngayong summer. Yung Dev. Psych., requirement siya for the Major, tas yung Religion, pinili ko as a Humanities course (para daw maging tao ako.. haha XD). Sayang nga walang on-campus na Religion. Palibhasa kasi mga alagad ni Darwin ang nag-aaral dun sa SDSMT (mga Paleontologists kasi) kaya karamihan sa kanila, hindi naniniwala sa Diyos. Wala na sigurong nag-eenroll sa subject na yun kaya inalis na rin nila. May mga Kristiyano-Katoliko din naman. Nawindang nga ako nung makita ko yung pinakamatalino kong kaklase sa simbahan noong isang linggo. Anyway, hindi ko alam kung bat nga ba Religion ang kinuha ko. Kunsabagay, ang pagpipilian lang naman kasi na fields sa Humanities eh Literature, Music, Theater, History, Philosophy, at Religion. So by the process of elimination:

Literature – ayaw ko nga ng essays e
Music – triangle lang ang alam kong ‘patugtugin’, at hindi rin ako interesado sa musika ni Mozart
Theater – baka madiscover pa ako, mahirap ng matsismis..haha, wala rin akong interes magmemorize ng script at gumawa ng stage play
History – wala rin akong interes malaman ang kasaysayan ng isang bansa maliban lang sa Pilipinas
Philosophy – magandang subject, pero nakuha ko na ito last year at di na pwedeng ulitin
Religion – ang relihiyon ang isa sa mga pangunahing bagay na humuhubog sa katauhan ng isang tao (sa akin); gusto ko ring makapagbigay ng sensible na sagot kapag tinanong ako kung bakit nga ba ito ang napili kong paniniwala.

Bukas na yung klase namin, pero kahit langitngit ay hindi nagpaparamdam yung prof ko. Kadalasan, 1 day bago yung klase, may e-mail na galing sa instructor na nagpapaalala na bukas na magsisimula ang klase. Isa pang katakataka ay wala pa rin siyang nilistang libro na gagamitin namin. Araw-araw kong pinupuntahan yung website ng school pero wala talaga. Parang imposible namang mag-aral kami ng walang libro, lalo na’t online class lang ito. Kumbaga, self-paced study, pero may deadlines. Chineck ko rin kung na-cancel yung klase, pero hindi rin naman. Aantabayanan ko na lang siguro ang susunod na pwedeng mangyari.

Medyo excited na din akong bumalik sa SDSMT. Kahit paano, namiss ko din magdrive papunta dun lalo na pag gabi–senti mode galore na naman nyan! Haha. 7-10pm ang schedule ko para sa Dev. Psych., and yung prof ko dito, siya din yung prof ko nung PSYC 101, kaya medyo alam ko na rin kung paano siya magturo. Sabi ni Wey, maganda daw itong subject na ito. Hiling ko lang, sana hindi kami pagawan ng paper. Tinignan ko yung syllabus nya nung Spring sem and meron nga siyang pinagawa O_O pero summer naman ito, at sa BHSU, hindi sa SDSMT. Wahhhh. Pero sa bagay, Psychology naman ito. Kung tutuusin, di naman hamak na mas interesante ito kaysa sa English na pati lyrics ng kanta eh pinapakielaman.

Kung ano man ang mangyari sa summer na ito, sana lang talaga hindi na maulit yung grade ko sa english last summer. First time yun, at pagsusumikapan ko na din na gawin iyong last, kahit man lang bago ang application para sa Nursing Major.

Uy, parang ang lakas ng loob ko ah. Ito na siguro ang epekto ng mga nabasa kong akda ni Mr. Coelho. :D

P.S. Wala talagang kinalaman yung title sa mismong laman ng blog…

Meron din pala. Ako yung batang binugbog ng sandamukal na negatibong pananaw sa isang subject. XD

Katatakutan, kahihiyan, katatawanan Part II

There is something about blogging in my native language that seems to set me free (o, e bat nageenglish ka? XD). But there is a need to practice writing in english since this is the language I would deal with for (perhaps) the rest of my life, but that must not be a hindrance for me to share my thoughts through this blog. So I decided to break that invisible barrier I built which required me to express everything in english. With that, I promised myself to blog not so much as to practice but communicate with my family, friends, and the online world. That’s what blogs are for anyway. =P

-back to what I was thinking before typing this down-

I’m actually surprised at myself for writing two consecutive blog entries in two days. Kadalasan kasi, isang buwan ang pagitan ng dalawang posts. I think I’m actually enjoying this. Now I understand why some people get addicted to blogging. There is a strange satisfaction in writing (or in this case, typing) down a thought. Kasi kapag ganun, you get to record a memory and can access it again whenever you wish. I realized this when I was rereading all my blog entries a while ago. Lalo na yung mga rants, parang ang saya kasi na maisip mong nasurvive mo yung hell semester na yun. Kasi one of the reasons why I don’t blog is yung wala namang nagcocomment. Tapos naisip ko: Bakit, hindi naman ako nagbblog para makakuha ng comments ah. I blog just because I want to. So simula nun, napadalas na din ang update ko sa blog ko.

Ang gandaaaaaaaaaaaaaaa ng kantang ‘So Close’. Adik na adik ako ngayon dun. Alam mo yung feeling na inlove ka pero wala ka namang kina-iinlove-an? Ayun, ganun na ganun yung nararamdaman ko. Feel ko na namang bumalik sa isinulat ko kahapon, so eto na tayo.

Katuloy nung kwento kay kuya Glenn, duda akong nalaman nya yung totoo kong pangalan pero kilala na nya ako by face, so buking na din ako. Lagi siyang nagpupunta sa school noon kahit graduate na siya dahil dun sa COQC na ayaw naman sa kanya at tinataguan pa nga siya noon. Naaalala ko, lagi rin siyang extra sa camping (GRABE, miss ko ng mag-camping!!) at hindi pa nga ako makakain nun kasi nandun siya (if that’s the case, kailangan ko siya ngayon. HAHA). Speaking of camping, dun pala sa obstacle course na kung saan na-stuck ako sa gulong unang nagkacrush sa kanya. Kesyo inencourage daw nya ako. WTH. Anyway, lahat yun, nakadokumento sa diary ko. HAHAHA. Tapos unti unti ng nawala ang interest ko sa kanya, pero inaamin kong nalungkot ako nung time na yun na nakasabay namin siya ni Jaffe sa jeep tapos may kasama siyang girl. Sabi ni Jaffe kapatid daw nya yun. Hindi ko naman tinignan kaya hindi ko rin alam, pero kinabukasan, walang kamatayan ang pagpapatugtog ko ng “I’ll Never Get Over You (Getting Over Me)”. Haha, loser. Bandang fourth year nang tuluyan na siyang mabura sa listahan ko (at talagang may listahan, ano) dahil sa isang taong hindi ko na babanggitin ang pangalan. Clue: malapit na birthday nya =]

At syempre, sino ba naman ang makakalimot sa isa pang nilink sa akin (naging crush ko din naman siya, in fairness) na kung saan eh nakilala ako ni Prof. Mendoza and Mam Ladia–si Sir Gherold Benitez (wish ko lang hindi ito mabasa ng pinsan ko kasi magkakilala sila XD — pero dahil libong milya naman ang layo ko, no big deal na rin kung mabuking ako). Ganito kasi yun, nung nagconcert yung POETS sa TSU, nanood kami, tapos ANG GWAPO nya, as in! Sa malayong distansya, kamukha nya si Sherwin Ordonez (na SOBRANG crush ko noon, kaya lang ako nanonood ng Click eh dahil sa kanya XD). Halos mahimatay pa nga kami noon ni Jewilyn kakasigaw kasi nga ang gwapo gwapo niya. So yun. Ngayon, ang hindi ko maintindihan at malaman, ay kung paano na-imagine ng mga ka-group ko na may crush ako sa kanya. Nadulas ata ako noon sa pagsabing kamukha nya si Sherwin O. tapos sabay sabing may gusto ako dun sa artista so nag-automatic na sa kanila na may gusto din ako dun sa isa. Ang mga loko naman, kasi ang alam ko, option lang si Sir Gherold nun na maging guest speaker namin, nung inassume nila na may gusto ako sa kanya, walang anu-ano e siya na yung ginawa nilang guest speaker. HAHA. Mga loko yun. SOOOOBRANG nakakahiya nun! As in! Lalo na, teacher siya. Naaalala ko pa, nung nagsasalita siya, pag napapalapit siya dun sa part na kung saan nakaupo ako (syempre, natural lang na yung speaker eh magmomove from time to time sa pwesto nya diba?) eh humihiyaw yung mga kaklase ko. Haynaku, wala akong naaalalang mas embarassing experience dun maliban na lang dun sa lumipad nadapa ako sa may harap ng lobby nung grade 4 XD. As in gusto ko talagang lumubog na lang sa sahig at maglaho forever. Tapos nung huli, ang mga loko kong kagroupmates, sinabi ba namang dapat daw makipag-kamay sa speaker. Halatang sinadya nilaaaaaa!!! Ang dami ng naging speakers sa klase namin, wala man kaming kinamayan kahit isa! Tapos biglang ganun??!! Nagsigawan yung buong klase, pati si Prof. Mendoza (na director namin) tapos si Mam Ladia, tumatalon-talon pa (golden moment yun, considering na terror teacher si Mam XD), nung time na yun, gusto ko na talagang tumakbo palabas ng amphitheater kasi hiyang hiyang hiyang hiya na ako! Hindi rin ako nakapagkamay sa kanya kasi talagang hindi ko na siya kayang harapin. Nung bandang huli, narealize ko na sana eh nakipagshake hands na lang ako kasi ang lumabas eh si Sir pa yung napahiya. Masyado naman kasi akong nagpatangay. Diko pa alam maki-ride noon sa mga jokes eh. Anyway, pagkatapos ng araw na yun, wala na. Bakit? Kasi tama na yung isang nakikita ko minsan sa isang buwan

Nung fourth year, wala ng naging ganung kalalang kaso ng panloloko. Natuto na rin akong maki-ride sa mga jokes ng kaklase ko. Wala na rin yung mga kaewanang nalalaman ko nung first-third year. Buti naman. Pero syempre, meron pa ding mga niloko sa akin, yun nga lang, sa pagkakataong ito, mas bata sila sa akin–4th year kami, 2nd year sila (patay tayo dyan) so hindi na ako nahiya sa kanila. Besides, si Jafita, may gusto dun sa kuya nung isa (si Procter and Gamble) kaya hindi rin makahirit. Si Wey din, may gusto dun sa isa (clue: kaklase ko siya nung nursery). Tapos ang alam ko, si Sansu, may gusto dun sa isa pa, so mababa talaga yung risk na maloloko nila ako. Pero dumating din yung pagkakataon na yun nung Science Fair. Naki-ride na lang ako nung di-nare nila yung tatlo dun sa katapusan ng “Spider Maze” kuno kung saan ako yung nagbabantay. Malalakas din ang radar ng mga kasama ko eh, biruin nyo ba namang nadetect nila yung tatlo sa gitna ng kadiliman nung classroom? HAHA. So anyway, pinapalabas ko na nga eh, pero tutal tawa din naman nang tawa yung tatlo (nakita ko kasi nasinagan sila nung binuksan ko yung pinto) at dahil wala rin naman akong laban sa laki ni JayR (HAHAHA), pinabayaan ko na silang gawin yung dare–may pinasabi yung mga kaklase ko (secret na lang kung ano yun :D :D ). Tapos, ayun–ako na yata yung pinakamasayang tao sa pinakamababaw na paraan pagkatapos nun XD.

Base sa diary ko, yun na ang huling “kilig moment” ko nung high school. Actually, meron pa, pero dahil ‘iba’ yung taong involved, hindi ko na yun dapat i-post pa sa blog na ito.

* * *

Syempre, may mga lokohan moments din noong college. At dahil si JayR ang pinaka-close ko noon, automatic na ako ang una sa listahan ng mga nililink sa kung kani-kanino. Yun nga lang, sa pagkakataong ito, walanghiya nako…teka, mali ata…I mean, hindi na ako yung tipong nagkukuba o kaya eh nagtatago. In a way, naging advantage din ito dahil sa kauna-unahang pagkakataon e naging class officer ako (HAHA). Kung tutuusin nga eh parang naging boyish ako nung college, kaya rin siguro parang nawala yung awkwardness pag nakikipag-usap ako sa lalaki na hindi ko kabarkada. Halos isumpa nga ako ni JayR nun kasi nakakausap ko yung crush nya, tapos siya hindi. Nakalibre nga ako ng lunch from him dahil doon. HAHAHA. :D May benefit naman pala kahit pano. Epekto na rin siguro yun ng pagkakakilala namin kay kuya Alron (na sabi ko pa noon ay kamukha siya ng isang taong nabanggit ko kanina) at sa mga iba pang lalaki sa dorm. Gaya nga ng sabi ko nung una, sa simpleng kadahilanang amiga ko si JayR, may automatic kapartner(s) ako sa classroom. Pero nawala din yung panunukso kasi hindi ko pinatulan (hindi ko pa pinatulan sa lagay na yun XD). Naka-labing-isa akong crush nung college, yung apat, gusto naming dalawa ni Pat. Yung isa, Mr. Nursing, kababayan, at nakatira malapit dun sa taong nabanggit ko kanina; yung isa, matalino (and mabait na rin); yung isa, friend ko; yung isa, nagwapuhan ako noon (may anak na siya ngayon); yung isa, AP version 2 (minus the kabaduyan); at yung dalawa, kadorm namin. Hindi ko sinabi yung mga pangalan nila dahil PITO sa kanila ang wala pa ring kaalam alam sa sikretong ito.

* * *

Ngayon dito sa Amerika, hindi ko maitatangging ang dami kong kaklaseng gwapo. Siguro sa paningin ko, gwapo sila dahil nga di naman hamak na mas maputi sila at iba ang lahi nila. Kumpara sa mga binaggit ko sa blog na ito at dun sa nakaraan pang entries, lahat sila walang binatbat pagdating sa isa kong kaklaseng nagstand-out pagdating sa katalinuhan, kagwapuhan at kabaitan. Katalinuhan dahil ang dami nyang achievements: consistent Dean’s Lister, International Science Fair winner, at future Med student. Siya rin ang nakakuha ng 44/50 dun sa exam sa Ana-Lab na LAHAT kami ay bumagsak. Kagwapuhan dahil hawig nya si Jesse McCartney na may halong yung artista na gaganap kay Goku. Kabaitan dahil nung mga panahong papasok kami sa classroom, kahit na siya yung pinakamalapit sa pinto eh ako pa din ang pinapauna nya kahit kasunod lang niya ako. Palangiti din siya at palatawa. Siya si Blake. Pero kung ano ang ikinatalino, ikinagwapo at ikinabait nya, yun din naman ang ikinaikli ng panahon simula ng makita ko siya “in a whole new light” hanggang dun sa nagtapos ang klase.

Blake served as an motivation for me to study harder because he posed a threat that will stop me from getting the top spot. I doubt if I actually got that top spot I wanted, but I sure was happy with my grade in that subject, considering our TA was considered to be the toughest TA there is.

Six months na ang nakakaraan at blangko pa din ang listahan. Wala ng sumunod kay Blake kahit halos bahain nako ng sher sher dito. Siguro dahil ito na rin ang panahon na kailangan ko na nga talagang magfocus sa pag-aaral. OK naman ako doon. Ilang taon na rin naman ang naipon kong “kilig moments” na pag binabalikan ko eh natatawa na rin ako. Syempre, high school yun. Kung meron mang panahon na may excuse ka na magmukhang ewan, yun na siguro ang high school. Tingin ko, dapat ang college, talagang panahon na ng pagseseryoso, dito kailangan na talagang magpursigi para makuha mo yung gusto mo. Sabi nga ni Paulo Coelho sa libro yang The Alchemist, “When you want something, the universe conspires in helping you to achieve it”. Siguro ito na rin yung paraang ng mundo para tulungan akong makuha ang gusto ko.

Sana nga.

Katatakutan, kahihiyan, katatawanan

So I was looking at my schedule for Fall semester. Napatunganga na lang ako sa mga subjects ko. Patay, nandun ang English 201 at dalawang 400-level na klase (meaning pang-4th year na sila). Tapos may Spanish pa at Health Community. Arushosko.

Ayaw ko ang English na subject sa simpleng kadahilanan na kailangan kong gumawa ng sandamukal na essays tungkol sa mga bagay bagay na wala naman akong pakielam. Hindi naman sa wala akong pakielam sa mundo, pero parang na-trauma ako dun sa C+ na nakuha ko nung isang taon sa English 101 ko. Eh kasi ipa-discuss ba naman ang epekto/importansya ng consumption chenes whatever thingy sa bansang ito. Eh duh. Wala pa man akong isang taon dito e. Ilang buwan palang din akong nag-aaral nun. Tapos umeksena pa ang &#*+ na paraphrasing at referencing na yan. Eh dahil online class yun, yung teacher namin sa libro na lang bumase nang bumase. Ni hindi man lang ipinaliwanag kahit sa mas simpleng terms lang. Kaya ayun, bokya. Buti nga nakapasa pa eh.

It’s been a year since I wrote a prose. Parang nawala na lang bigla ang ‘passion’ ko sa pagsusulat. Kaya lang naman kasi talaga ako nakakasulat ng mga ganun noon eh dahil nakita ko si ‘kras’ sa school nung umaga, o kaya naman eh nageemo-emohan ako nung panahong yun. Siguro ang pinakamagandang nasulat ko eh yung parang may pagka-Closing Cycles na hindi (haha, ano dawwwwwww?!). Basta tungkol siya sa mga huling araw ko bilang high school stu(pi)dent XD. Dun ko naibuhos ang kalungkutan ko sa pag-iwan ko sa Labskul, ang takot ko sa pagtungtong sa kolehiyo at pagiging independent, at ang mga tila malulungkot at inspiring na ‘realizations’. Hindi ko na alam kung saan na napunta yung sinulat kong yun. Marami akong naisulat na kung anu-ano bago ako nagpunta sa Baguio noon, pero lahat sa mga yun ay either tinapon ko na o kaya naman eh itinabi ko na lang sa kung saan man.

Isa pa sa mga tila nakakapag-udyok sa akin noon na magsulat eh yung mga magagandang kanta sa MOR 103.1 tuwing gabi. Favorite ko pa nga noon yung original version ng “Love Moves in Mysterious Ways”. Mahilig din akong lokohin ang sarili ko pag sinasabi kong “ang susunod na kanta, kanta namin ni *toot*” tapos sabay “Could You Be My Number 2?” yung kanta XD. Ngayon, wala na yun. Puro country songs ang nasa radyo. Alam kong bacchamae ako, pero hindi ko talaga feel ang mga country songs na pag pinakinggan mo eh feeling mo naggagatas ka ng baka o kaya naman e inaamoy ang hininga ng katabing kabayo. Yung iba namang istasyon ng radyo, sobrang hard rock, matigas pa sa bato ang pagka-rock, kulang na lang may lumabas na baseball bat sa speakers para basagin yung bungo ko.

Meron akong diary na ang tagal ko na ring hindi nasusulatan. Pag minsan, binabasa ko lang ito, pero hindi ako nakakaisip sumulat. Nakakatamad kasi dahil paulit-ulit lang naman ang buhay. Konti lang ang pinagkaiba ng ngayon sa kahapon. Isa pa, wala naman akong crush. Kailangan kong aminin–para sa isang taong sampu-sampu kung magkaroon ng campus crush, mahirap ang biglaang magblangko ang listahan. Si Blake naman kasi, naging crush ko nung patapos na yung semester. Pero masaya na din akong kahit paano eh napatawa ko siya sa kakornihan ko. Hindi ko na rin siya nakita pagkatapos ng semester simula January.

Siguro hindi rin basta kagwapuhan ang ginagawa kong basehan sa pagkakacrush, considering na halos lahat ng mga crush ko na nakikita ko in person eh hindi naman talaga gwapo (ouch naman daw sila XD). Yung iba, matalino o kaya naman mabait. Kung neither sa dalawa, siguro talagang nasiraan lang ako ng bait nung magkacrush ako sa kanila XD.

Ayaw ko na sanang balikan ang mga pangyayaring ito pero hindi ko rin maitatanggi na ang pagiging ‘baliw’ ko pagdating sa mga crush na iyan ay kabilang sa mga bagay na nakakapagpangiti sa akin kapag naaalala ko sila.

Napagtanto kong tutal naman eh hindi sila bumibisita sa blog na ito at hindi rin nila mababasa so OK lang.

Kapag ka-close mo ang tenga ng lupa at ang pakpak ng balita, wag ka ng umasang hindi marereveal ang “special someone” mo kahit sa loob lamang ng isang araw. Kadalasan, wala ka pang sinasabi ay kalat na sa campus na may gusto ka kay ganito. Ganyan ang naging buhay ko. Sabi nga ni Bob Ong, kadalasan eh nililink ka sa pinakapangit sa klase nyo–sa kaso ko naman, dun sa pinakapangit sa campus (oyyyyy, no offense).

Yung kay AP noon, hindi ko alam kung paano kumalat. Siguro na-identify din ni AP yung number na yun. Kung anu ano pa ngang kaewanan ang pinaggagagawa ko nun, may paletters letters pa. Haha. YAK, ang baduy ko XD. Marami rin kaming dinevise na codename ni June para sa kanya, nakalimutan ko na nga yung iba.

Nung second year, meron na namang ibang ipinartner sa akin–si Pongi. As usual, si Junee ang gumawa ng codename na yan. Ewan ko kung saan naman niya nahugot ang bansag na yun para kay kuya Sherwin. Kawawa naman, nananahimik eh ginugulo ng mga batang walang magawa sa buhay XD. Di pa nakuntento, nung minsang pumasok si kuya sa classroom para manghiram ng ballpen eh bigla ba namang tinukso sa akin na nananahimik na nagrerewrite ng notes. Simula noon, Fallorin na ang tawag sa akin ni Sir Alagano. Oh well, at least nakilala ako ng teacher kahit paano. :P

Dumami ang ka-love team ko nung third year. Yung bestfriend ni kuya Sherwin, si kuya Glenn, naihalintulad ko noon kay Haley Joel Osment. Kahawig daw nya kasi. HAAAAAAAAAAHAAAAAAAAAAHAAAAAAHAHHHHHHHHHHHHAAAAAAAA. Bulag talaga ako ano. Nakuha ko noon yung number nya kay Con at sinendan ko siya ng pinakachakabang at pinakabaduy na message na pwedeng i-devise ng mga panahong iyon. Nakakakilabot pa rin pag naaalala ko. So medyo naging text buddies din kami noon. Napuno na nga halos yung inbox ko nun kasi hindi ko binubura yung messages nya XD. Actually, meron din naman akong dapat ipagpasalamat sa kanya dahil lingid sa kaalaman ng lahat, ang kauna-unahang entry sa diary kong 5 taon ko ng kasama ay tungkol sa kanya. Kumbaga siya ang nag-”inspire” sa akin na magsimula ng diary. Eto ang excerpt: “He has been an important person in my everyday life and leaving his memories would be hard.” WTF? WTH? LOL! LMAO! ROFL! Hahahahahahahahahahahahahahaha. Wrong gramming pa ata. Anak ng jellyace. Ako ba yun? Pag binabasa ko yung entry na yun atsaka yung mga sumunod doon, tawa ako nang tawa. Para akong nagbabasa ng mga hinaing ng batang naligaw ata sa sarili nyang kwarto. Siguro eto yung parang karanasan ko sa tinatawag nilang “High School drama”. Baduy, corny.. pero sa paraan ng pagkakasulat ng mga entries na yun, parang ang lungkot ko talaga. Haha. Kids.

Eto pa: “…used my mental telepathy to call him. He turned his head automatically and caught my eye.” My gaaaaaaaaasssshhhh. Hindi naman ako naka-drugs nun, bat ganyan yung naiisip ko?

Hayyyy. Well at least mas masaya naman ako di hamak nung mga panahon na yun kaysa ngayon.

…to be continued

*inaantok nako.

Bestfriends

Bestfriends come and go–I can attest to that, considering I had and have a lot of “bestfriends”. I don’t know how or why there appeared to be a sudden rush of memories of my childhood. I just took this as an opportunity to write about something. It’s been a while since I have done so, and apologize for the poor grammar.

My first bestfriends live about five blocks away from our house–Shiela, her cousin Aaron, and their neighbor Yayay. They used to come to our house to play with me. We would “sell” flowers (dandelions, santan, and NNF > ‘no name flower’) and play piko, out-outan, and langit lupa. Suddenly, they stopped coming. I don’t know why, but I didn’t really care by then. I was too shy to be the one to visit them so I just stayed home. I had my own set of friends at school so I wasn’t exactly “yearning” for a company.

Once, I rode a jeep going to TSU and saw Shiela sitting in front of me. I managed a small smile. It’s so weird seeing her after more than 5 years. I didn’t know what to say so I just looked out of the window, wondering if she even remembers who I am. As for Yayay, I’ve never seen her again for the last 10 years.

Aaron had passed away. He had a brain tumor. We went to his wake and I looked at him in his coffin. I wondered what could have happened if we stayed friends and if he still knows me. It’s a shame I didn’t get to see him the last few years he was alive.

* * *

I was in Grade 1 when I got to know Tatiana. I didn’t know exactly how we became the best of friends–maybe it’s because my mom and her mom used to bring our lunches to school together, and that we both don’t have any siblings. We used to go to each other’s houses and play. We went to Baguio together, shared stuff, ate lunch together, and even wore the same clothes. I think the friendship began to fade when we were in Grade 4 and she got into a different section. She started to join inter-school competitions and made a new set of friends. I had my own set of friends too, and I guess that put an end into our best-friendship. We remained friends until Grade 6 and I never heard from her again when transferred to another school–except for that one time when her cousin (who was my classmate) talked to her and passed the phone to me.

The last time we saw each other was during the UP Sandiwa review. We didn’t talk to each other. It’s as if she doesn’t know me and I don’t know her. That’s when I knew– our friendship has long been ended.

* * *

I didn’t have any bestfriends until Grade 6–if you would void that time when Joy said that I’m her bestfriend because I doubt if she even meant it.

* * *

February 2001–just a month before graduation, my frikkin shoe broke. Little did I know that that frikkin broken shoe would lead me to the person who would later on be my bestfriend–Jewilyn. I don’t know why she did it, but she stayed with me when I asked her to. Maybe she pitied me, or maybe she’s just cool like that. I can tell she really wanted to watch the show rather than stay with this boring girl (me) and I don’t understand why I also chose to stay outside the Don Bosco gym, when I could have easily carried the sole with me and both of us would have watched the show. Maybe it really is fate. If I didn’t choose to be stupid enough to do what I did, maybe I wouldn’t have hung out with her after that. She would still be my friend, but I doubt if we would be this close. The four years of high school brought us even closer. We fought–events I would rather forget. But it’s these events which made our friendship stronger, and Jarjar Binks and BaoBao King continued with their adventures, battling evil and eating goopey dumplings.

High school is where I met wonderful people, including my other bestfriends.

He does not know this, but I have to thank Alan Paul for something. I know I’ve never actually admitted it except to my friends, (who thought it would be fun to spill the beans) but I really had a crush on him. It wasn’t just a crush. It was a patay-na-patay type of crush *vomits*. There, I said it. Anyone could tell him to go to this website and read this himself, I wouldn’t really care. I practically had a crush on almost every guy when I was in high school, it wasn’t a big deal anymore.

Anyway, it was because of this crush thingy that I’ve met June a.k.a Juneneng. Oh how I used to hate this girl. She always steals the spotlight with her jokes (na hindi ko pa pinagtatawanan noon kasi nga naiinis ako) and she stole a point from our group when she stood up at the same time I did and gave the same answer, but Mam Castro gave her the point. Now, how did we become friends? It’s because of Alan Paul.

June and I have our own respective schoolbuses and she’s my my only classmate left with me while waiting for those. That’s when she asked me who my crush was–and I told her XD. She gave me his number and I frikkin sent him a message and etc. I don’t want to go into the details. I shudder everytime I remember those O_O. This is how some of it went:

Me: Anong sabi nya?
June: Tinatanong nya kung kilala ko daw yung number na ‘to. 09192701033 (yes, memorize ko pa ang kauna-unahan kong selpon number)
Me: Talaga? *dreamy eyes*

ew…

ew…

ew…

Okay, back to reality.

It was also June who accompanied me during lunch hours when Wey and I had a fight (my fault). We also used to meet and roam on the grounds of Montessori’s parking lot and talk about Alan Paul (again ). We’re both camera addicts too (a.k.a mga silo sa camera) no wonder most of our barkada pictures were those of the both of us.

Jaffe and Con-con joined our group during our sophomore year. It was then I discovered that Jaffe lives only a few blocks away from our house. Since then, we started going home together. We used to share the tricycle fare or ride the jeepney and then have a happy conversation while walking back home. Sometimes, we rode the bus going to school together. It always makes walking appear less tiring. We often had misunderstandings. There was a time when we argued and didn’t speak to each other for (I think) more than a week. It was hard for me to not be in good terms with a friend, especially with her, but I managed to resist the urge to apologize. I’ve noticed that we’ve been fighting almost every other day, away-bati palagi, and maybe one way to stop this is to let an argument last for sometime until we’re really ready to apologize to each other. Then one night, much to my surprise, she called. It was my mom who answered the phone. We talked and that’s when I realized how much I’ve missed her–how I missed talking and being with her. I don’t recall any other major quarrel after that. Jaffe and I have a lot of fun memories together. We walked from Magsaysay to TSU, tried to lose weight, and dreamt of marrying a superstar (Bloom and Radcliffe ). I was also the one who named her modus operandis (kamusta naman yung Ragnarok poster na ginawa nyang cover ng envelope nya para mapansin ni “Procter & Gamble” ). Kamusta din naman ang pamatay na tawa niya na talaga namang walang sinabi ang tawa kong no comment lang .

Ben. Most wouldn’t understand how a person who has no reaction could be one of the best guy friends anyone can ask for. The secret lies within his uhhhhhhhhhh… ‘muscles’ (masculado daw siya eh ) and hair (known for accidentally trapping a fly, thus saving the world from a typhoid breakout ). Ben is a man of few words (taong bundok?) meaning right after telling him a 5-minute story about something, his reply would either be “Syempre” or “Talaga naman” or worse, “Care ko” . Of course, he doesn’t mean to be mean. He only does that when the story is comparable with June’s “Makulay na Kwentong Black and White”. He could turn into the most sensible and sensitive guy in an instant he has to. Kaya naman crush ng bayan eh (ano man ang bayan na yun, hindi ko na alam). Naks, dapat may bayad ito ah. He’s friends with Brad Turkey este Turvey, the one who used to endorse Smart in front of a cellphone shop in Metrotown Mall (pinagtawanan daw kasi siya nung nag-slide siya kakahamon sa amin na habulin siya) and Prof. Mendoza (actually, bestfriend din ni Wey si sir ). I don’t really recall an argument between Ben and I, but I do remember that time when he thought of leaving the group. We’re just glad he didn’t.

* * *

It’s amazing how long since we’ve seen each other and yet it seems as if we’ve never been apart. Thank God for the internet. It seems that the occasional “I miss you” is enough to assure me that the flame of friendship between us continues to burn even though we’re miles apart.

Now I understand why I still haven’t found a friend here in the states. Maybe it’s because I’m not really looking for one because I don’t actually need one.

On Faith

In response to a TeenTalk post:

Jas 2:14-24, 26

What good is it, my brothers and sisters, if someone says he has faith but does not have works? Can that faith save him? If a brother or sister has nothing to wear and has no food for the day, and one of you says to them, “Go in peace, keep warm, and eat well,” but you do not give them the necessities of the body, what good is it? So also faith of itself, if it does not have works, is dead.

Indeed someone might say, “You have faith and I have works.” Demonstrate your faith to me without works, and I will demonstrate my faith to you from my works. You believe that God is one. You do well. Even the demons believe that and tremble. Do you want proof, you ignoramus, that faith without works is useless? Was not Abraham our father justified by works
when he offered his son Isaac upon the altar? You see that faith was active along with his works,
and faith was completed by the works. Thus the Scripture was fulfilled that says, Abraham believed God, and it was credited to him as righteousness, and he was called the friend of God.
See how a person is justified by works and not by faith alone. For just as a body without a spirit is dead, so also faith without works is dead.

*thanks to USCCB

Lasang sapal ang tinapay

Jeez, it’s been a while since I last posted a decent entry. Well, here we go…

As I’ve said in my entry prior to this, I got all my grades yesterday. I am very thankful I finished this semester with acceptable grades, especially with my Microbiology subject. It’s nice to take a vacation after a semester’s worth of hardwork. :) No pain, no gain. ;)

I’m working out. *laughter* No, seriously– I AM working out. My heart spoke to me a week ago, complaining how hard it is to pump with all of the fat. HAHA. Aunt and I started this exercise regimen last Monday at the EAFB gym. I’ve never been on a programmable treadmill before so I nearly slipped the first time I stepped on it. Haahaa. Silo. There were, of course, musclely and cute guys in there, but I don’t give a damn. I have muscles AND I am cute too, yah know. XD Pagbigyan, pagbigyan.

I have NO idea why, but WebAdvisor won’t let me register for SDSU’s Nutrition class for Fall, so I decided to move to BHSU’s which means I have to drop my Spanish class at SDSMT and take SPAN at BHSU 7-10pm twice a week. There is something very appealing with night classes. Maybe it’s because I am most active at night (uyyy, pareho kami ni “only one”. HAHA). Whateburr. I am excited for my Spanish subject. I don’t know how I’m supposed to learn Spanish in a class, but I hope we would deal with the Castillan Spanish, because that’s where most Tagalog words were derived from. MY surname is Spanish: dela cruz means “of the cross”–so gracia dela cruz means “grace of the cross”. WOW. Last thing I knew, I AM the cross XD.

Last week, I had the sudden urge to look up some F4 (Meteor Garden) songs. They all brought back memories of San Cai, Dao Ming Si, and my beloved Lei :D . I like “Season of Fireworks” the best, even though I can’t understand a word of it XD. I personally think Meteor Garden is one of the best shows I’ve seen.

I’m taking just 6 units for the summer. I don’t want to make the same mistake I did last summer where I had 11 units worth of online subjects. only had 3 hours of sleep every DAY (I didn’t sleep during the night) and I gained weight. O_O

I will be taking 15 units during the fall T_T and I don’t feel good about that ENG 201 and HSC 120. But I’m definitely looking forward for my SPAN 101 and PSYC 451 (Abnormal Psychology) classes.

We’ll be watching PRINCE CASPIAN on either Saturday or Sunday (YAYYYYYYYYYY). William Mosely rawks!

Will think of more stuff to post here. :D Til then, my sweetcakes!

I got my Chemistry grade today and it’s GOOOOOOOOOOOOD!

Yoohoo! Yebah! Yeyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!!

Thank you, God!

And it’s sweet, sweet, sweet victory!

*image from johnequalsbored (DeviantArt)

Prince Caspian, here I come! :D

Dalawa na lang…

…still waiting for my Chemistry and Microbio-Lab grades.

Nooooooooooooooooooooommmmmmmmmm.

*EDIT*EDIT*EDIT*

I already have my Micro-Lab grade.

Chemistry na langggggggg…

funny pictures

more cat pictures

Happy Mommies’ Day!

Mom, Dad and I went to the mall to do some shopping and then we headed to Golden Corral to eat our supper. Jeez mehn, hanggang ngayon, hindi pa rin ako makahinga sa sobrang busog.

I gave Mom roses and a card written using the apex of my heart (haha) and she loved them.

Love you, Mommie! =D

* * *

I am SOOOOOOOOOOOOOO glad classes are OVER. I’m still looking for a job, though.

* * *

Frikkin Multiply won’t let me post anything! =P

Muning

We have a visitor! :D

Sammietot. <3

« Previous entries Next Page » Next Page »